Miyerkules, Hulyo 27, 2016

Ang aking Talambuhay

                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                 Ako si Pauline Sistoso Pangan. Kilala ako sa palayaw na "Poleng". Masayahin at masipag na tao. Ako ay 16 taon na. Pinanganak ako noong Oktubre 19,1999 sa ospital ng Community General sa San Pablo City. Panganay ako sa aming 2 magkakapatid. Kasalukuyang nakatira kami sa Brgy. San Lucas 2, San Pablo City. Ang mga magulang ko ay sina Roberto T. Pangan at Roseflor S. Pangan. Ang pangalan ng aking bunsong kapatid ay Jethro S. Pangan.

       Nag aral ako ng  aking elementarya sa paaralang Kintner Christian Academy simula kinder hanggang ika- anim na baitang. Noong tumuntong nako ng aking Junior Highschool, pinapasok ako ng magulang ko sa isa sa mga prestihiyosong paaralan,ang Canossa College. Dun ako nagsimula ng aking bagong buhay sa pag-aaral hanggang ngayon sa aking kasalukuyan. Ako ay ika- labing isa nang baitang at hanggang ngayon masaya akong nag-aaral sa paaralang ito.

     Marami din akong natamong parangal simula noong bata ako hanggang sa ngayon. Noong elementarya ako, nagtamo ako ng mga parangal sa mga timpalak bigkasan sa bahagi ng Filipino at Ingles. Bukod don,nagtamo din ako ng loyalty award sa aking dating eskwelahan. Natamo ko ang Special Mention Award noong nagtapos ako ng aking elementarya. Nagkaroon din ako ng Best Performer Awardee sa Max's noong akoy Grade 5. At ang huli, nagtamo ako ng aking certipiko ng aking pagtatapos ng aking Junior High sa Canossa College noong March 30,2016.

      Ang mga hilig kong gawin ay maglaro ng volleyball,tumugtog ng gitara at magbukas ng mga social media. Mahilig din ako magpicture o sa mas kilalang tawag na "selfie". Mahilig din akong mag ayos sa aking katawan lalo na sa muka ko. Hilig ko din ang mangoleksyon ng lipstick at ng iba pang paborito kong bagay. Madalas akong gumala pag walang masyadong ginagawa. Pumunta sa mall o sa parke upang makapagrelax. Minsan naglalaro din ako ng mga computer games gaya ng left4dead at nba 2k14. Masaya ako sa lahat ng aking ginagawa. Dahil dito,mas ginaganahan akong mamuhay sa araw-araw.
       

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento